Ang Paterno St. Quiapo - ito ang puntahan kapag mamimili ng salamin sa mata. Sulit nga ba doon magpagawa?
Magiging balanse ako sa aking pag bigay ng
review ng pagpapagawa ng salamin sa Quiapo.
Ito ay batay sa aking karanasan sa pagbili at pagpagawa ng salamin
doon.
Nakabili ako sa Quiapo ng
magandang Class A Ray Ban frame. Na hanggang
ngayon ay nagagamit pa din isa’t kalahating taon na ang nakalipas. Nakuha ko ito sa halagang Php2000 kasama na ang pag customize ng lenses na multi coated.
Pero ang lenses ay pinapalitan ko dahil:
- Nahilo ako ng isuot ko. Akala ko nag aadjust lang ang mata ko. Hindi tama ang PD or Pupilliary Distance ng lenses. Ng maalala ko mano mano ang pag putol sa lenses. Ilalapat nila ang lenses galing sa frame sa isang bilog na malaking lens at may matalas at matalim na parang ballpen at susundan nila ang korte ng lenses para putulin. Hindi machine cut. Yon machine na meron sila ay pang hasa lang ng edges. Parang pang hasa ng gunting o kutchiliyo. Hindi precision cutting machine for lenses ang ginagamit ng ilan sa Quiapo. Meron pa akong nakita sa labas nila hinahasa ang lenses.
- Ang isang lens ng salamin ko mas maliit kumpira sa isa.
- Yong edges medyo matalas hindi rounded at hindi pantay ang pagkakakurba ng lenses.
Gayon pa man maganda ang frames sa Quiapo man lang itong nabili ko kaya tumagal ng 1 ½ taon at nagagamit dahil pumunta ako sa Ideal Vision sa SM. BF Paranaque. Pinagawa ko ang parehong grado ng salamin na talagang lapat
ang sukat, pulido ang gawa at ang gilid ng lenses ay makinis lalo na para sa half rim na frame.
Yong napuntahan ko na shops ay mura
ang frames at lenses pero ito yon mga mano mano lang. Pumasok naman ako sa ibang Optical shop (Optique Prima) pero
halos kapareho din ang presyo ng frame sa Malls. May mga 10,000 worth na frame
wala pang lenses ito. Medyo nakakagulat dahil
ang akala ko pag sa Quipo mas mura ang class A na frames kahit konti.
Bumalik pa din ako sa Quiapo pumunta
at nag ikot ikot at may ilan hindi kilalang brand (Sunai) na magandang
frames nakita at nabili ko sa halagang Php600. Magaang at made of
alloy.
Meron din akong nakitang sapat o resonable ang halaga na Class A frames gaya ng Nike, Dior, Ray Ban, Swissflex, Rudy Project, Oakley na mukang mga tig 5k-7k ang itsura pero makukuha lang sa halagang Php1,200.
Kung gusto ninyong bumili ng eye glasses frame sa Quiapo okay doon marami kang pagpipilian. Mag iikot ikot ka lang kasi may iba na mahal din ang presyo.
Kung mag papagawa ka din ng lenses siguraduhin na may optometrist na titingin sa mata at itanong kung machine cut ang gagamitin sa pagputol ng lenses. Mainam na magpatingin ka na sa optometrist bago pumunta at dala na ang prescription para pipili ka na lang ng frame. Sa dami kasing pagpipilian medyo matatagalan ka.
1. Kung dati ka ng nagsasalamin. Alam mo na kung anong babagay na hugis ng frame sa iyo. Unahin mong sukatin ang bagay sa iyo bago ka magsukat ng parang nagagandahan ka pero hindi bagay. Pero kadalasan naman ang mamamahalin frames maganda din ang dating pag suot na. Sa presyo na lang magkakatalo. Minsan din hindi kamahalan pero maganda parin tignan sabi nga "Nasa nagdadala lang yan".
2. Pumunta ka ng maaga sa Quiapo para mas may sapat kang panahon sa pagpili. Pag nandoon kana 'you will shop till you drop' 9;00 am. pa lang nandoon na ako kabubukas pa lang ng stores and stalls nakakapamili na ako pati si ate at kuya salespersons hindi pa pagod at excited pang mag estima ng customers. Nakakatawad din ako para daw sa unang benta nila ibibgay nila sa discounted price.
3. Kung schedule mo ang pagpunta sa Quiapo huwag kang pumunta ng Biernes kahit maaga. Nasubukang kong pumunta ng araw ng Biernes, napaka daming tao sa labas ng simbahan ng Quiapo. Kung doon ka sasakay pauwi o dadaan ang sasakyan mo doon, ang masasabi ko siksikan. Pero kung sa bandang Sta. Cruz ang way mo ayos lang.
4. Hindi ko pa nasubukan pumunta ng Linggo sa Quiapo kaya kung Biernes pa lang marami ng tao tiyak hindi mahulugan karayom ang babaybayin mo sa araw na yan.
5. Magandang pumunta sa araw ng Tuesday sa Quiapo.
6. Ingatan mo ang iyong mga dalahin. Mainam kung may kasama ka. Pero ako kadalasan mag isa lang kung pumunta. Hindi mahilig mag ikot ikot ang mga kapamilya ko sa mataong lugar.
7. Magdala ka na din ng grocery bag kasi sobrang mura ng prutas sa Quiapo. Yan lagi akong may uwing mansanas na 4 na Fugi apples mabibili lang sa halagang Php50. Sulit talaga.
Naway makatulong itong shinare ko sa pagpunta, pagbili ng frames o pagpagawa ng salamin sa mata sa Quiapo. Ingat. ✿

Tips kung bibili ka ng salamin sa Quiapo.

Good afternoon ask ko Lang Kung Magkano pagawa Ng sqlamin
ReplyDelete